Karagdagang tropa ng Pamahalaan, ipapadala sa Cebu para ipatupad ang lockdown

Magpapadala ang pamahalaan ng karagdagang pulis at sundalo sa Cebu City para mahigpit na ipatupad ang lockdown.

Ang Cebu City ay itinuturing na “special concern area” dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 na nag-udyok kay Pangulong Rodrigo Duterte na atasan si Environment Secretary Roy Cimatu na pangasiwaan ang response situation sa lugar.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kailangang makontrol ang galaw at kilos ng mga tao sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Nais nilang maiwasan ang pagsisikip sa mga ospital lalo na ang pagtambak ng mga bangkay na nangyari sa Metro Manila nitong Abril.

Iniiwasan din ng pamahalaan na matamaan ng COVID-19 ang mga frontline workers.

Bukod sa Cebu City, tinututukan din ni National Task Force against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. ang sitwasyon sa Tacloban City at Leyte Province dahil sa nakikitang pagtaas din ng kaso ng COVID-19 doon.

Facebook Comments