Nakatanggap ng karagdagang tulong ang mga nasalantang residente at pamilya na may totally at partially damaged na bahay dulot ng pananalasa ng Bagyong Uwan noong nakaraang taon.
Sa ilalim ng Emergency Cash Transfer Program, ipinamahagi sa mga pamilyang may totally damaged na kabahayan ang tig-P10,179 habang tig-P5,265 naman ang ipinagkaloob sa may partially damaged na bahay.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga residente mula sa Bagulin, La Union at Bolinao, Pangasinan.
Ayon sa tanggapan, nagsisilbing karagdagang tulong pinansyal ang ECT upang suportahan ang muling pagbangon ng mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap na matiyak ang maagap na paghahatid ng ayuda sa mga nangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










