Manila, Philippines – Tiniyak ng palasyo ng Malacañang na handa ang pamahalaan na magdeploy ng karagdanag sasakyan kung kakailanganin pa ng publiko.
Ito ay sa harap narin ng tigil-pasada ng Stop and Go Coalition bilang pagkontra sa modernisasyon ng mga pampasaherong jeep.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, naka-monitor ang pamahalaan sa nagaganap na transport strike at bantay-sarado sa mga apektadong pasahero.
Handa din aniya ang Malacañang na atasan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB at Land Transportation Office o LTO, pati na ang iba pang tanggapan ng pamahalaan na maglabas ng karagdagang sasakyan na gagamitin para sa libreng sakay.
Matatandaan na naglabas ang LTFRB, PNP, AFP at MMDA ng maraming sasakyan para masakyan ng commuters.