Sweet picture nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, usap-usapan ulit sa internet

Manila, Philippines – Trending ngayon sa social media ang bagong picture na post ng aktor na si John Lloyd Cruz habang kayakap sa kama ang aktres na si Ellen Adarna.

Sweet na sweet na magkayakap ang dalawa habang naka-kiss si Ellen sa aktor.

Mas nakadagdag ng misteryo sa estado ng kanilang relasyon ang caption ni Lloydie sa Facebook na “*Sobrang baduy neto pero this girl really did something good to my soul. I’ll always be grateful”.*


Sunod-sunod ang post ng dalawa sa social media tungkol kanilang mga bakasyon simula pa noong isang buwan.

Noong nakaraang buwan lamang ay nagviral ang video ni Lloydie habang ito ay lasing na lasing sa bakasyon nila ni Ellen sa Bantayan Island, Cebu, na ini-upload umano ng kanila ring kaibigan.

Ngayon ay sumasailalim si Ellen sa dalawang buwan na alcohol detox dahil nagdesisyon ito na baguhin ang kaniyang lifestyle bago siya mag-30th birthday sa Abril.

Tikom pa rin ang bibig ng sexy actress at aktor tungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Facebook Comments