KARAGDANG PROGRAMA PARA SA MAGSASAKA, HILING KAY PBBM

CAUAYAN CITY- Sa ginanap na pagbisita ni Philippine President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Probinsya ng Isabela, ilan sa mga magsasaka ang nagpaabot ng kanilang mungkahi sa presidente.

Sa panayam ng iFM News Team sa mga residente ng Brgy. Morado partikular na si Ginang Vivian Tungpalan, aniya pinakakailangan nila ngayon ang karagdagang programa para sa mga magsasaka.

Kabilang na dito ang pagpapalawig ng pamamahagi ng mga subsidiya, binhi, at abono. Gayundin ang pagtatatag ng mga irigasyon sa mga malalayong lugar na hirap na maabot ng patubig tuwing panahon ng taniman.


Anila, para sa kanilang mahihirap na magsasaka, ang pagtatanim sa panahon ngayon ay napakahirap dahil sa pabago-bagong panahon.

Samantala, ipinaabot din ng mga lokal ang kanilang mainit na pagtanggap sa pagbisita ng Presidente sa Probinsya ng Isabela.

Umaasa rin ang mga ito na sa susunod pang mga taon ay magkakaroon pa ng iba’t ibang programang makatutulong sa pag-angat ng buhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments