Karahasan sa higit 400,000 Muslim minority group sa Rohingya – kino0ndena ni Myanmar State Counselor Aung San Suu Kyi

Myanmar – Kinondena ni Myanmar State Counselor Aung San Suu Kyi ang karahasan sa higit 400,000 Muslim Minority Group na Rohingya mula sa Rakhine State.

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita ang lider hinggil sa isyu, matapos siyang hindi dumalo sa United Nations general assembly ngayong linggo.

Lumalaki na ang isyu sa pagpatay, torture at rape sa mga Rohingya, Muslim minority na nakatira sa hilagang Myanmar na umano’y nasa kamay ng militar.


Tiniyak ni Suu Kyi – gagawin nila ang lahat upang maibalik ang kapayapaan, kaayusan at rule of law sa bansa.

Facebook Comments