Quezon City government, magtatayo ng socialized housing ng mga urban poor sa Tandang Sora

Quezon City – Nais ng pamahalaang lokal ng Quezon City na ilaan sa para sa pagtatayo ng murang pabahay sa mga informal settlers ang 1,000-square-meter na lote na napasakamay nito sa pamamagitanng public auction.

Partikular na makikinabang sa socialized housing ay ang mga urban poor na apatnapung taon nang naninirahan sa MCP II Bagong Pag-Asa Homeowners Association Inc. sa Tandang Sora.

Kung maideklarang improvement socialized-housing site ang lugar, mapapabilis ang pag facilitate ng serbisyo at benepisyo sa mga benepisaryong residente.


Facebook Comments