Nagbabala si Chief Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez Jr. na ang pagtutulak ng eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa susunod na taon ay posibleng magbunga lamang ng mas maraming karahasan at dibisyon sa mga residente.
Sa pagharap ni Galvez sa pagdinig ng Senate Committee on Local Government, umapela siya sa mga mambabatas na ipasa ang batas na nagpapaliban ng BARMM elections sa 2025.
Paniniwala ni Galvez na posibleng may kinalaman sa eleksyon ang pag-atake ng mga hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Paglas, Maguindanao.
Aniya, sinasamantala ng BIFF ang kasalukuyang pandemya para makapag-recruit pa ng mga bagong miyembro.
Iginiit din ni Galvez na walang failure of intelligence.
Kapag inurong ang BARMM elections, makakatulong ito na mapahupa ang tensyon sa rehiyon at maresolba ang armed attacks.