Revised deal para sa delivery ng 40 million Pfizer vaccines, pinirmahan na ni Galvez

33

Nilagdaan na ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. ang renegotiated term sheet para sa procurement ng 40 million doses ng Pfizer vaccines, na makakatulong na mapaigting ang COVID-19 immunization program.

Sa virtual launch ng “Ingat Angat, Bakuna Lahat” Campaign, sinabi ni Galvez na inaasahang lalagdaan din ni Health Secretary Francisco Duque III ang nasabing term sheet.


Kinumpirma rin ni Galvez na paaagahin ng Pfizer ang delivery ng 2.2 million doses ngayong buwan sa ilalim ng COVAX Facility.

Una nang nagpadala ang Pfizer ng 193,050 vaccine doses sa bansa nitong May 10 bilang bahagi ng pilot inoculation.

Facebook Comments