DAGDAG PWERSA | PNP – Handang magdagdag ng tauhan sa bilibid

Manila, Philippines – Handa raw ang Philippine National Police na magdagdag ng tauhan sa new bilibid prison sa Muntinlupa City.

Ito ay sakaling hilingin ni BuCor Chief Ronald dela Rosa na dagdagan ang pwersa ng PNP-Special Action Force sa kulungan.

Sa kasalukuyan, may isang batalyon ng PNP-SAF ang nagbabantay sa bilibid.


Nauna nang hiniling ni dela Rosa na mabigyan sila ng 400 pang mga jail guard para tumulong sa pagbabantay ng seguridad at kaayusan sa NBP.

Facebook Comments