Manila, Philippines – Sugatan ang hindi bababa sa 13 indibidwal kabilang ang isang sanggol sa karambola ng 9 sasakyan sa Cabrera road-Manila East road sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal.
Base sa kuha ng CCTV, makikita ang mabilis na andar ng truck na kargado ng mga drum ng diesel.
Bigla umano itong nawalan ng preno kaya nagdire-diretso at sumalpok sa isang UV express, dalawang kotse, SUV, closed van at dalawang tricycle.
Agad namang isinugod sa tatlong ospital ang mga nasugatan na karamihan ay mga pasahero ng UV express at tricycle.
Inihahanda na ng mga pulis ang kasong isasampa laban sa truck driver.
Facebook Comments