Karambola ng 19 na sasakyan , nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa ibabaw ng C-5 Ortigas Flyover

Manila, Philippines – Nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa ibabaw ng C-5 Ortigas Flyover matapos magkarambola ang labing siyam na sasakyan.

Ayon sa MMDA metro base, isang sasakyan ang nawalan ng kontrol at tumawid mula sa northbound to southbound lane.

Sangkot sa nasabing insidente ang ilang trak, motorsiklo at mga kotse.


Dalawang lane ang okupado nang dahil sa karambola kaya’t masikip ngayon ang trapiko sa northbound lane ng C-5 Ortigas.

Facebook Comments