Karambola ng 3 Sasakyan sa City of Ilagan, 2- Patay, 3 Sugatan!

*Ilagan City, Isabela-* Patay ang dalawang katao habang sugatan naman ang tatlo pa sa naganap na aksidente pasado alas syete kagabi sa pambansang lansangan ng Brgy. Osmeña, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, sangkot sa tatlong karambola ng sasakyan ang isang 6×6 na truck na minamaneho ng hindi pa matukoy at tumakas na suspek, isang Tricycle na minamaneho ni Deenbert Tuquiero, 26 anyos, binata, utility ng Provincial Jail at residente ng Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela at isang closed Van na minamaneho naman ni George Baduyen, 41 anyos, businessman na taga Brgy. Osmeña, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP Ilagan, binabaybay ng 6×6 truck ang lansangan patungong South direksyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay nag-overtake ito sa sinusundang sasakyan at napunta sa kabilang linya na binabaybay naman ng kasalubong na Tricycle at Closed Van.


Sa resulta, nabangga ng Truck ang kasalubong na Tricycle at Van na nagresulta sa pagkamatay ni Tuquiero nang isugod ito sa pagamutan.

Nasawi rin ang isa sa tatlong pasahero ni Tuquiero na si Eusebio Munio habang sina Gracia Munio, 25 anyos at Shan Munio, 3 anyos at driver ng Van ay dinala sa pagamutan para sa kanilang karampatang lunas.

Dinala na sa pag-iingat ng PNP Ilagan ang mga sangkot na behikulo para sa tamang disposisyon habang tinutugis pa ang suspek na drayber ng Truck.

Facebook Comments