MMDA magpapatupad ng rerouting scheme para sa solidarity walk sa QC Circle bukas

Abiso sa mga motorista!

Dahil kasabay ng solidarity walk o salubungan sa pagitan ng mga Kristyano at kapatid nating mga Muslim.

Magpapatupad ang MMDA ng traffic rerouting at “stop and go” scheme sa ilang bahagi ng Quezon City bukas, February 3.


Simula alas 7 ng umaga ang “stop and go” scheme ay ipapatupad sa Masaya Street corner Commonwealth Avenue ito ay dahil ang Muslim group ay tatawid ng Elliptical Road para sa kanilang assembly sa Philcoa.

Babagtasin ng grupo ang east side gate ng Commonwealth Avenue hanggang Liwasang Aurora sa QCMC kung saan naman idaraos ang programa.

Habang ang mga Kristyano naman ay magmumula sa East Avenue tawid ng Elliptical Road at papasok sa QCMC gate facing East Avenue hanggang sa may bahagi ng Liwasang Aurora.

Kasunod nito ang mga sasakyang magmumula ng Elliptical Road na magtutungo sa Kalayaan Road, UP at Commonwealth Avenue ay kakanan sa East Avenue, kaliwa sa Matalino Street, kanan sa Kalayaan Avenue at kanan sa Elliptical Road patungo sa inyong destinasyon.

Habang ang mga sasakyan na magmumula sa EDSA via East Avenue ay kinakailangang kumanan sa Matalino Street kaliwa sa Kalayaan Avenue, kanan sa Elliptical Road patungo sa inyong destinasyon.

Layon ng “Lakad para sa Kapayapaan Laban sa Karahasan,” na ipakita ang pagkakaibigan at alyansa ng mga Kristyano at mga Muslim.

Facebook Comments