Karambola ng Forward Truck at Motorsiklo sa Sta, Maria Isabela, Isa Patay, Dalawa Sugatan!

Sta. Maria, Isabela- Idineklarang Dead on Arival ang isang binata habang sugatan naman ang dalawa pang kasama nito lulan ng motorsiklo ng maaksidente sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Bangad Sta. Maria, Isabela.

Kinilala ang nasawing back rider na si Rody Bacud, 18 anyos, habang sugatan din ang kasama nitong menor de edad na si Miles Manibug, 14 anyos, mga pawang residente sa naturang barangay at maging ang drayber ng motorsiklon na si Jericson Mabazza, 19 anyos, residente ng Brgy. Villabuena Sta. Maria, Isabela samantalang ang drayber naman ng forward truck ay kinilalang si Ricardo Romiro, 27, anyos, residente ng brgy. Calamagui North, Sta. Maria, Isabela.

Batay sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan, pareho umanong bumabaybay ang magkasunod na sasakyan sa kahabaan ng naturang lansangan ng mag-over take ang drayber ng motorsiklo na si Mabazza sa sinusundang forward truck.


Dagdag pa rito ay nawalan umano ng control sa manibela ng motorsiklo si Mabazza na nagresulta sa pagkakatumba ng mga ito habang aksidente pang nabangga ng paparating na forward truck.

Dahil dito ay nagtamo naman ng matinding pinsala sa katawan si Bacud na naging sanhi ng agarang kamatayan habang nagtamo naman ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga kasama nito.

Samantala, agad namang dinala sa himilan ng pulisya ang drayber ng Forward Truck magining ang mga sasakyang sangkot sa aksidente habang patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa naganap na insidente.

Facebook Comments