KARAMBOLA NG SASAKYAN | 5 sugatan sa Antipolo City

40

Antipolo City, Rizal – Lima ang sugatan sa karambola ng limang sasakyan sa Antipolo City, Rizal kaninang umaga.

Sangkot sa insidente ang dalawang SUV, isang kotse at dalawang tricycle.

Ayon kay Enrilito Bernardo, hepe ng Antipolo City National Disaster Risk Reduction and Management Office (NDRRMC), nangyari ang road crash sa intersection ng circumferential road at M.L. Quezon Street kung saan isang SUV pa ang tumagilid.

Agad namang naisugod sa Rizal Provincial Hospital System Antipolo Annex 2 ang mga nasugatan.

Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad kung sino ang may kasalanan sa karambola.

Facebook Comments