SALPUKAN | 2 patay sa banggaan ng sasakyan sa Atimonan, Quezon

21

Manila, Philippines – Patay ang dalawang indibidwal matapos na magsalpukan ang dalawang sasakyan sa Atimonan, Quezon kaninang madaling araw.

Ayon kay Quezon Police Provincial Director Police Sr Supt Rhoderick Amamento ala-1:30 ng madaling araw kanina nang maganap ang aksidente sa Barangay Malinao, Ibaba, Atimonan Quezon.

Sa ulat ni Amamento, minamaneho ng isang Albert Riginio Caballero ang bus na AB liner na may plate number EBX 203 patungo sa Bicol nang biglang nagtakang mag-overtake ang motorsiklong sakay ang dalawang nasawing biktima.

Naisugod pa sa Dona Martha Memorial District Hospital sa Atimonan Quezon ang dalawang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa aksidente habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.

Facebook Comments