Isiniwalat ng Quezon City government na karamihan na nagkaroon ng active COVID cases sa lungsod ng Quezon ay mula sa mga hindi pa nabakunahan.
Sa ulat ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, mula sa 8,159 na kabuuang active cases mula Agosto 8-21, 5,735 o 70% ang hindi nabakunahan habang 1,416 (18%) ang fully vaccinated.
Ang natitirang 1,008 (12%) ay kinukunsiderang partially vaccinated dahil hinihintay pa ang kanilang second dose o hindi pa nalalagpasan ang two-week period matapos mabakunahan.
Giit pa ni QC Mayor Joy Belmonte na epektibo ang bakuna at ang agresibong vaccination efforts ng Local Government Unit (LGU) ay nasa tamang landas upang makamit ang population protection.
Hanggang Agosto 24, nakapagbigay na ang LGU ng kabuuang 2,271,833 vaccine doses sa mga residente at manggagawa.