Karamihan sa COVID patients sa Western Visayas, mga umuwing OFWS at Locally Stranded Individuals

Kinumpirma ni Dr. Mary Jane Juanico ng Department of Health (DOH)-Western Visayas na karamihan sa COVID-19 cases ngayon sa rehiyon ay mga umuwing Overseas Filipino Worker (OFW) at Locally Stranded Individuals (LSIs) o ang mga nagbalik-probinsya.

Ayon kay Dr. Juanico, karamihan kasi sa LSIs ay health clearance lamang ang dala pag-uwi ng mga lalawigan at hindi naman sumailalim sa COVID test bago bumiyahe.

Iniulat din ng DOH-Western Visayas na karamihan sa COVID patients ngayon sa rehiyon ay nasa 21 hanggang 30 years old.


Inamin rin ng DOH-Western Visayas na umabot na sa 100% ang occupancy ng Iloilo City.

Kaugnay naman ng mga ospital na hindi sumusunod sa protocols, inihayag ng DOH na kailangan ang pagsasagawa ng regular disinfection at paglilinis ng pasilidad, gayundin ng treatment at monitoring facilities upang maiwasan ang infection ng healthcare workers at mga pasyente.

Facebook Comments