MANILA – Maraming pinoy ang nag-aalala na mabibiktima sila ng extra judicial killings.Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng social weather stations na isinagawa noong December 3 hanggang 6 sa 1,500 respondent nationwideBatay sa survey, 78% ang nagsabing nag-aalala sila na baka sila o isa sa mga kakilala nila ang sunod na mapatay bunsod ng maigting na kampanya ng Duterte administration laban sa droga.45% ang labis lang, 33% ang medyo nag-aalala habang 10% ang hindi masyado at 12% ang hindi talaga nag-aalala.Sa nasabing survey rin, 71% ang naniniwalang mahalagang mahuling buhay ang isang suspek sa droga habang 1% ang nagsabing hindi mahalaga ito.Kaugnay naman sa paliwanag ng maraming pulis na nanlaban ang mga drugs suspect na napapatay sa kanilang operasyon, 9% ang naniniwalang nagsasabi sila ng totoo, 19% ang medyo naniniwala, 13% ang medyo hindi kumbinsido at 42% hindi sigurado.
Karamihan Sa Mga Pinoy, Nangangamba Na Mabibiktima Sila Ng Extra Judicial Killings Sa Bansa Batay Sa Latest Survey Ng Sw
Facebook Comments