KARAMIHAN SA MGA TINATAMAAN NG COVID-19 SA PANGASINAN, HINDI PA BAKUNADO

Pumalo na sa higit 1, 700 ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Pangasinan base sa datos ng Provincial Health Office.

Sa nasabing bilang 60-70% dito ang hindi pa bakunado laban sa sakit ayon kay Dra. Anna Maria Teresa De Guzman ang Provincial Health Officer ng probinsya.

Ang mga ito ay kasalukuyang naka-admit sa hospital dahil ang mga ito ay nangangailangan ng mga kagamitan ng hospital upang malabanan ang sakit.

Dagdag ni De Guzman, karamihan sa mga aktibong kaso ay edad 60 pataas na nasa 13%.

Dahil dito, muling nanawagan ang opisyal na magpabakuna kontra COVID-19 at magpa booster shot upang maiwasan ang severe COVID-19 at mas mapababa ang admission sa mga hospital.

Samantala, posible namang mayroon ng community transmission ng omicron variant sa lalawigan dahil sa pagtaas ng kaso nito sa loob ng dalawang linggo ngayong taon.

Matatandaan na kinumpirma ng PHO na nakapagtala na ang Pangasinan ng apat na kaso ng variant ngunit sila ay gumaling na. | ifmnews

Facebook Comments