Karamihan sa mga Tokhang Responders ng Cabatuan Isabela, Nakapagtapos Na!

Cabatuan, Isabela – Nakapagtapos na ng Community-Based Rehabilitation Program (CBRP) ang karamihang tokhang responders sa bayan ng Cabatuan Isabela.

Sa naging pahayag ni SPO4 Edwin Hernandez, ang Municipal Excecutive Senior Police Officer (MESPO) ng PNP Cabatuan sa RMN Cauayan ay sinabi niya na sa kabuuang 243 na tokhang responders sa Cabatuan ay nakapagtapos na umano ng CBRP noong June 26, 2018 ang 120 at sumunod ang 22 tokhang responders noong December 11, 2018 kaya’t umaabot sa 212 ang nakapag-graduate ng CBRP.

Aniya, ang iba umano ay nasa BJMP dahil sa kanilang kinakaharap na kaso, ang ilan naman ay nasa abroad, sa ibang bayan at ang iba ay nasa rehab center.


Paliwanag pa ni MESPO Hernandes na kahit hindi pa nakapagtapos ng CBRP ang kanilang mga tokhang responders ay mananatili parin sila sa kanilang listahan.

Kaugnay nito, sa 22 barangay ng Cabatuan ay may dalawang drug un-affected barangay sa Cabatuan kung saan ito ay ang Brgy. Culing Centro at Brgy. Namnama.

Tatlong barangay din aniya ang nakatakdang maging cleared barangay at ito ang Brgy. Culing East, Brgy. Luzon at Brgy Canan.

Sinabi pa ni SPO4 Hernandez na wala umanong bumabalik na tokhang responders sa droga dahil sa naging abala ang mga ito sa kanilang kasalukuyang mga trabaho.

Samantala, ayon naman kay PO3 Francis Bayona, ang Police Community Relation Officer ng PNP Cabatuan na patuloy parin umano ang pagsasagawa ng drug symposium sa mga barangay at paaralan at naging maganda naman umano ang pagresponde ng mga taumbayan.

Kabilang din umano ang mga opisyal ng Barangay Anti-Drug Abused Coauncil (BADAC) sa mga aktibidad ng PNP may kaugnayan sa droga.

Facebook Comments