Karamihan sa nagka-COVID sa REGION 12 ay mga LSI at ROF

185 mula sa 231 na naitalang kaso ng Corona Virus Disease sa SOCSARGEN Region ay mga umuwing Locally Stranded Individuals at Returning Overseas Filipino sa ibat –ibang probinsya ng Rehiyon 12.
Ibig sabihin karamihan sa mga kinapitan ng COVID-19 ay may travel history ayon kay Arjohn Gangoso, Health Education and Promotions Officer ng Department of health Region 12 sa panayam ng DXMY.
Sinasabing nasa 122 ang active cases sa buong Region 12 habang 105 naman ang nakarekober dagdag pa ni Gangoso.
Pinakamaraming naitala sa Saranggani na may 60 cases, South Cotabato 40 cases, Sultan Kudarat 40 cases, North Cotabato 34 cases , General Santos City 30 cases at Cotabato City na may 27 cases.

FILE PIC PIA Sultan Kudarat FB
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments