KARAMPATANG MULTA SA MGA HINDI NAKATALI NA ALAGANG HAYOP SA BRGY. SONQUIL, STA. BARBARA, IPATUTUPAD

Kukumpiskahin at maniningil ng kaukulang multa ang barangay council ng Sonquil, Sta. Barbara sa mga may-ari ng hindi nakataling alagang hayop sa mga kakalsadahan.

Ayon sa anunsyo ng punong barangay online, marami na umanong reklamo ang isinasangguni sa kanyang tanggapan ukol dito kasunod ng aksidente na maaaring maganap dahil sa mga pagala-galang hayop.

Bagaman hindi umano ipinagbabawal ang pag-aalaga ng anumang hayop, mayroon na umanong ipinapatupad na ordinansa at memorandum mula sa iba pang law enforcement agencies sa barangay ukol dito.

Giit ng opisyal na asikasuhin upang hindi pagala-gala ang mga alagang hayop sa mga kakalsadahan upang hindi maiwasang makaperwisyo sa ibang residente at kabahayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments