KARAPATAN | DOLE, suportado ang resolusyon ng senado ukol sa total deployment ban ng mga household service workers

Manila, Philippines – Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang senate resolution no. 676 o pagpapatupad ng total deployment ban ng mga Filipino household service workers sa mga bansang hindi nagbibigay ng patas na karapatan at work conditions sa kanilang mga mangagawa.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, maituturing na kahibangan ang pagpapadala ng mga OFW sa mga bansang hindi sila protektado tulad ng nangyari sa Kuwait.

Puspusan na ang mga hakbang ng ahensya at ng Department of Foreign Affairs (DFA) para pag-aralan ang mga kasalukuyang bilateral agreements sa mga bansang maaring makapagtrabaho ang mga Pilipino.


Facebook Comments