SISIGURADUHIN | AFP-JTF Sulu, target tapusin ang problema ng Abu Sayaff bago matapos ang taon

82

Manila, Philippines – Tiniyak ng Armed Forces of the Philippine – Joint Task Force (AFP-JTF) Sulu na tatapusin nila ang problema sa Abu Sayaff bago matapos ang taon.

Ayon kay AFP-JTF Sulu Commander, Brig/General Cirilito Sobejana, aabot sa 300 hanggang 400 miyembro ang pwersa ng teroristang grupo sa Sulu.

Aniya, bihag din ng mga ito ang anim na Pilipino, tatlong Indonesian at isang Dutch.

Dagdag pa ni Sobejana, nasisiyahan ang Pangulo sa mga inilulunsad na operasyon laban sa Abu Sayaff lalo at nagkaroon ng improvement sa overall security sa Sulu.

Sa ngayon, maingat ang AFP-JTF Sulu sa kanilang mga hakbang upang maiwasang malagay sa panganib ang kanilang buhay maging ng mga bihag.

Facebook Comments