KARAPATAN NG MGA MENOR DE EDAD, NARARAPAT ISAALANG-ALANG BAGO I-POST ONLINE

Nararapat lamang umanong protektahan ang pagkakakilanlan at imahe ng mga menor de edad na walang pahintulot na ipinopost sa social media at apektado ng natatanggap na public hate.

Ito ay matapos ang insidente ng malawakang posting ng mukha ng tatlong magkakapatid na menor de edad na biktima ng sunog sa bayan ng Tayug,Pangasinan.

Dahil sa insidente, nanawagan ang lokal na pamahalaan sa publiko na burahin at itigil ang pagpapakalat ng mga litrato para sa proteksyon ng mga menor de edad.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Tayug Councilor Atty. Magdalena Mangelen, bagaman wala pang batas na nagtatakda ng parusa sa mga unauthorized online posting ng mga menor de edad, dapat pairalin ang humanitarian consideration para sa mga biktima.

Isinusulong naman ang pagsasabatas ng ilang bill upang tuluyang maprotektahan ang privacy ng mga menor de edad.

Sa kasalukuyan, pinaiigting ng Commission on Human Rights ang pagbabantay online para sa mga grupo na target mambiktima ng mga menor de edad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments