Karapatan ng mga pasaherong makararanas ng cancelled, delayed o uncompleted voyage, ipinaalala ng DOTr

Nagpaalala ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero hinggil sa kanilang mga karapatan sakaling makansela, ma-delay o hindi matapos ang kanilang paglalayag.

Ayon sa DOTr Maritime Sector, karapatan ng mga pasahero na i-refund o i-revalidate ang kanilang tickets.

Kung ire-revalidate ang ticket, maaari ring i-avail ng mga pasahero ang kanilang right to amenities gaya ng libreng pagkain at matutuluyan habang naghihintay ng kanilang resecheduled trip.


Kung walang free accommodation, dapat na bigyan ng kompensasyon ang mga pasahero ng cancelled at delayed voyage.

Samantala, ang sea passengers ng uncompleted voyage ay mayroon ding rights to information, amenities at compensation gayundin ang karapatang maibiyahe papunta sa kanilang destinasyon.

Facebook Comments