ATMC, ininspeksyon ng CAAP sa harap ng Holy Week travel rush

Sa harap ng pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals ngayong Miyerkules Santo, nag-inspeksyon si Transportation Sec. Jaime Bautista at ang mga opisyal ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Philippine Air Traffic Management Center (ATMC).

Layon nito na matiyak na nakahanda ang lahat ng transportation facilities sa pagdagsa ng air passengers ngayong araw.

Kabilang sa ininspeksyon ng mga opisyal ang Communication, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) facilities para makita ang kahandaan nito sa pag-handle ng air traffic.


Ang inspection ng CAAP ay naaayon din sa international aviation standards.

Tiniyak din ng CAAP na mahigpit nilang imo-monitor ang operasyon ng ATMC sa buong Holy Week travel period.

Facebook Comments