Inalmahan ng grupong Karapatan ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly.
Sa isang statement, binatikos ni Cristina Palabay, secretary general ng Karapatan ang pagtatanggol ng pangulo sa Anti-Terrorism Law.
Ayon kay Palabay, hindi nila matanggap ang kasinungalingan ni Duterte sa international community kaugnay ng sitwasyon ng human rights sa bansa.
Aniya, dapat igiit ng UN Human Rights Council (UNHRC) ang mandato nito at makapagsagawa ng impartial investigation sa human rights situation sa Pilipinas.
Dapat na umanong kumilos ang UNHRC na papanagutin ang Pangulong Duterte sa paratang nilang pag-atake sa karapatang pantao.
Facebook Comments