Tiwala ang Filipino-Japanese na si Junna Tsukii na makakapsok siya sa Tokyo 2021 Olympics.
Ito ay matapos masungkit ni Tsukii ang kanyang unang gold medal sa Karate Premier League nang talunin si Moldir Zhangbyrbay ng Kazakhstan sa score na 2-0 sa female-50 kilogram komite event sa Lisbon, Portugal.
Ayon kay Tsukii, malaki ang tulong ng kaniyang pakapanalo na makasungkit ng Tokyo 2021 Olympics spot kung saan kailangan nitong lumabas na No. 1 sa Asian rankings.
Kasalukuyang nasa ranks No. 3 si Tsukii sa Asia at No. 9 sa mundo na may 3742.50 points.
Bukod sa pag-qualify sa pamamagitan ng kanyang Asian ranking, malaki rin ang tsansa ni Tsukii na makapasok sa quadrennial meet sa world Olympic qualifying tournament sa Paris, France, sa Hunyo.
Facebook Comments