Karne ng kalabaw, pinag-aaralan na para maging alternatibong kapalit ng karne ng baka

Tinitingnan na ng Philippine Carabao Center (PCC) na gawing available sa merkado ang karne ng kalabaw bilang alternatibong kapalit sa karne ng baka.

Batay sa pag-aaral ng PCC, ang karne ng kalabaw ay halos kapareho lang ng karne ng baka pagdating sa processing traits at lasa.

Sa pamamagitan din ng teknolohiya, mataas ang economic potential at viability o kakayahang manatili ng karne ng kalabaw sa merkado.


Sinabi naman ng Department of Agriculture (DA) na patuloy ang kanilang pagbuo ng breeding technology upang matiyak na magiging sapat ang suplay ng karne ng kalabaw sa posibleng pagtaas ng demand nito.

Facebook Comments