Karneng baka at gulay, pinatawan na ng SRP ayon sa DA

Nagdagdag ang Department of Agriculture (DA) ng mga bagong food items sa kanilang suggested retail price (SRP) kasunod ng pagtaas ng presyo ng basic commodities bunga ng mga nagdaang bagyo.

Ito ay matapos maglabas ng administrative circular ang DA para lagyan ng SRP ang ilang pangunahing bilihin sa mga palengke at supermarkets na layong maprotektahan ang publiko mula sa abnormal na taas-presyo.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, kasama na sa SRP ang karneng baka maging ang mga lowland at highland vegetables.


Ang pagpapatupad ng SRP alinsunod sa Price Act ay layong matiyak ang availability ng basic at prime commodities sa tapat na presyo sa lahat ng oras na hindi naman ikalulugi ng mga negosyo.

Sa ilalim ng bagong SRP:

  • Beef Rump – ₱380 per kilo
  • Beef Brisket – ₱300 per kilo
  • Ampalaya – ₱80 per kilo
  • Sitao – ₱80 per kilo
  • Native Pechay – ₱80 per kilo
  • Kalabasa – ₱30 per kilo
  • Talong – ₱60 per kilo
  • Kamatis – ₱100 per kilo
  • Carrots – ₱80 per kilo
  • Baguio Beans – ₱100 per kilo
  • Repolyo Baguio o Pechay Baguio – ₱80 per kilo
  • Patatas – ₱70 per kilo
  • Sayote – ₱30
  • Bangus – ₱169 per kilo
  • Tilapia – ₱120 per kilo
  • Galunggong – ₱180 per kilo
  • Pork Kasim – ₱260 per kilo
  • Pork Liempo (Whole) – ₱280 pero kilo
  • Whole Chicken – ₱130
  • Itlog – ₱6.50
  • Imported Rice – ₱38-₱52 per kilo
  • Local Rice – ₱40-₱53 per kilo
  • Bawang o Sibuyas – ₱100
  • Brown Sugar – ₱45
  • Refined Sugar – ₱50
  • Mantika – ₱50 per liter

Pagtitiyak ng DA na patuloy ang kanilang regular monitoring sa presyo ng basic commodities.

Kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity ang buong Luzon kung saan umiiral ang price freeze sa mga pangunahing bilihin.

Facebook Comments