*Gamu, Isabela*- Arestado ang isang karpentero sa kasong paglabag sa R.A 9262 o “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004” sa Brgy. Furao, Gamu, Isabela bandang 6:410 ngayong gabi.
Kinilala ang akusado na si Bonifacio Baguang, 50 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.
Batay sa imbestigasyon ng PNP Gamu, nagsagawa ang kapulisan sa pangunguna ni PCapt. Rey Lopez ng manhunt operation sa nasabing barangay na nagresulta ng pagkaaresto kay Baguang.
Ipinalabas ni hukom Isaac De Alban ng RTC Br. 16 Ilagan City ang mandamieno de aresto para sa kasong kinakaharap ni Baguang.
Inirekomenda naman ng hukuman ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansa na nagkakahalaga ng P36,000.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.