Karpentero sa Cauayan City, Isabela, Arestado sa Pagpupuslit ng Iligal na kahoy!

*Aurora, Isabela- *Inaresto ang isang karpentero matapos matiklo sa pagpupuslit ng mga nilagareng kahoy kagabi sa brgy. Sili, Aurora, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang karpenterong nadakip na si Emilio Gapuz, 46 anyos, walang asawa at taga Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Natimbog si Gapuz sa pagpapatrolya ng mga otoridad sa kahabaan ng brgy. Sili dahil wala umano itong maipakitang anumang dokumento mula sa DENR.


Nakumpiska mula sa kolong-kolong ni Gapuz ang labing tatlong piraso ng mga nilagareng kahoy na mayroong 120 board feet.

Dinala na sa PNP Aurora ang suspek maging ang mga nakumpiskang kahoy para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments