Karpentero sa Cordon, Isabela, Inaresto ng mga otoridad!

Cordon, Isabela – Arestado ang isang karpentero na may kinakaharap na kasong murder matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas nueve ng umaga sa Brgy. Magsaysay, Cordon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Bernardo Acierto Basilio, 46 anyos, may asawa, isang karpentero at residente ng Brgy. Gayong, Cordon, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Cordon si Basilio matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Eufren F. Changale ng RTC Branch 36, Maddela, Lalawigan ng Quirino dahil sa kasong Murder.


Nasa himpilan na ng pulisya ng Cordon ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Facebook Comments