Karpintero, Huli sa Pag-iingat ng Illegal na Baril

22

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang karpintero matapos itong makuhanan ng ilegal na baril sa Brgy. San Marcos, San Mateo, Isabela.


Kinilala ang suspek na si Marcelino De Leon, 60 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. San Marcos, San Mateo, Isabela.

Isinilbi ng mga kasapi ng PNP San Mateo sa pangunguna ni PLt Johnny Gatan ang search warrant laban kay De Leon kung saan nakumpiska sa kanyang pag-iingat ang isang (1) Caliber 45 na may kasamang walong (8) bala, isang (1) holster at isang (1) live ammunition ng Caliber 45.

Dinala ang suspek maging ang mga narekober na ebidensya para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments