Matt Evans, nakalaya na sa kulungan

130

Nakapagpiyansa na ang aktor na si Matt Evans mula sa pagkakakulong dahil sa kasong child support na isinampa sa kaniya nitong nakaraang linggo.

Nakulong si Matt nitong Biyernes matapos siyang ireklamo sa hindi pagsustento sa anak nila ng dating partner na si Johnelline Hickins.


Pero ayon sa aktor, nagpapadala naman daw siya ng suportang pinansyal sa kaniyang anak.

Aniya, nagkaroon lamang siya ng lapses dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa ngayon, happily married na si Matt sa kaniyang bagong asawa kapiling ang kanilang tatlong anak.

Facebook Comments