Cauayan City, Isabela- Hinuli ng mga awtoridad ang 2 katao matapos makumpiskahan ng iligal na pinutol na kahoy bandnag 10:30 kaninang uamaga sa Brgy. Nemmatan, San Agustin, Isabela.
Kinilala ang mga suspek na sina Mario Bustamante, driver,66-anyos at Francis Bustamante, 42-anyos na kapwa naninirahan sa magkahiwalay na barangay sa Bayan ng Nagtipunan, Quirino.
Ayon sa imbestigasyon ng San Agustin Police Station, habang mahigpit na ipinapatupad ng pulisya ang quarantine protocol sa checkpoint sa lugar ay kanilang pinara ang isang puting van na may plakang XGW608 lulan ng mga hindi dokumentadong kahoy.
Agad na inaresto ang dalawa matapos bigong magpakita ng dokumentong magpapatunay na legal ang kanilang mga kahoy na dala-dala.
Ipapasakamay naman sa DENR San Isidro ang mga nakumpiskang kahoy habang mananatili sa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek na nahaharap sa kasong PD 705 o Forestry Code of the Philippines.