KARPINTERO, NAGTAMO NG SUGAT AT PASO MATAPOS MAKURYENTE

CAUAYAN CITY – Nagtamo ng sugat at paso sa kamay at paa ang isang lalaki matapos itong makuryente sa San Leonardo, Aglipay, Quirino.

Agad namang rumesponde ang Aglipay Police Station matapos makatanggap ng ulat ukol sa insidente.

Ayon sa ulat ng kapulisan, may hawak na yero ang biktima at nag-aayos umano ito ng bubong nang biglang humangin nang malakas.


Sa lakas ng hangin, aksidenteng tumama ang yero na hawak ng biktima sa isang live wire dahilan ng kaniyang pagkakakuryente.

Agad namang dinala sa Aglipay District Hospital ang lalaki para mabigyan ng paunang lunas at ngayon ay nasa mabuti nang kalagyaan.

Ang biktima ay si Ricardo Gonzales, 48-anyos, may asawa, karpintero, at residente ng Purok 4, Ligaya, Aglipay, Quirino.

Facebook Comments