Karpintero Patay Sa Saksak, Matapos Na Umawat Sa Away Ng Kaibigan

29

MANILA – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 48-anyos na karpintero nang umawat ito sa away ng kaibigan kamakalawa ng gabi sa Tondo, MaynilaAng nasawi dahil sa mga saksak sa katawan ay kinilalang si Romeo Agocejo, ng no. 753-A Kagandahan St., Tondo, Maynila.Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Anthony Dela Paz Alyas “Mark”, 33, ng no.750 interior 15 J. A. Planas St., Gagalangin,Tondo, Maynila.Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-6:15 ng gabi sa G. Perfecto St., Panulukan Ng Kagandahan St., Gagalangin, Tondo ay papauwi na sa bahay ang biktima mula sa pagtatrabaho nang mapadaan sa umpukan ng mga kapitbahay at napasabak na sa kuwentuhan.Ilang sandali ay dumating ang suspek na armado ng patalim at nagsalita ng “ano ngayon, kayo matatapang” at inatake ang kakuwentuhan ng biktima na si Jack Lou Hernandez.Nakailag si Hernandez kaya inawat ito ng biktima na ikinairita ng suspek at sa kanya ibina­ling ang galit at saka pinagsasaksak sa katawan.Nakatakbo pa ang biktima, subalit nadapa at muli siyang inundayan nang saksak ng suspek bago ito tumakas.

Facebook Comments