Dalagita Arestado, Matapos Itapon Ang Iniluwal Niyang Pitong Buwang Fetus

13

MANILA – Inaresto ng mga pulis ang isang 17-anyos na dalagita matapos na itapon niya ang bangkay na iniluwal niyang pitong buwan na lalaking fetus sa isang basurahan sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD) station 6, ang dalagita ay itinago sa pangalang Marie na nakaratay ngayon sa ospital matapos na kakitaan ng pamumutla bunga ng pagsilang sa fetus.Ayon sa ulat, natuklasan ang insidente nang madiskubre ang bangkay ng lalaking fetus sa mga basura sa tapat ng no.31-Don Matias St., Brgy. Holy Spirit, dakong alas-4:30 ng hapon.Sa inisyal na imbestigasyon,nadiskubre ng isang Jestoni Catungal habang nangangalakal ng tambak na mga basura ang isang bagay na inakala nitong pagkakitaan.Napuna ni Catungal ang kahon kaya agad niyang kinuha ito at binuksan hanggang sa tumambad sa kanya ang bagong panganak na sanggol na nasa 1 foot at 3 pulgada ang taas.Ipinagbigay alam ni Catungal ang nadiskubre sa mga otoridad para sa imbestigasyon at habang nagsisiyasat ang otoridad ay kusang-loob lumapit at sumuko ang dalagita sa mga imbestigador at umamin na siya ang ina ng nakitang fetus sa nasabing lugar.At dahil namumutla ang batang ina ay agad na dinala ito ng mga otoridad sa nasabing hospital.

Facebook Comments