Karpintero pinagtataga sa Kidapawan City

Biktima ng pananaga ang isang karpintero ng itoy pagtatagain dakong ala 1:45 nitong Huwebes ng hapon sa Kidapawan City. Kinilala ang biktima na si Jose Cadio Cabinbin 55 anyos at residente ng barangay Sumbak ,Kidapawan City habang ang suspect ay kinilalang si Hesus Arcenas , 66 anyos at residente rin ng nabanggit na lugar.
Sa report ay nagalit ang biktima dahil sa pabalik balik na pagtungo ng suspect sa kanilang sakahan. Matagal ng may alitan ang biktima at pamilya ng suspect na parehong magkakamag anak din.
Sa ngayon ay pinaplano ng asawa ng biktima na sampahan ng kaso ang kanyang sariling tiyuhin.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments