Karpintero, Sugatan Matapos Barilin ng Escopeta

Delfin Albano, Isabela – Nakaratay pa rin sa hospital ang isang karpintero na si Ricardo Magday, 56 anyos at residente ng Brgy. Ragan Norte Delfin, Albano, Isabela matapos barilin gamit ang isang Escopeta (air gun) ng nakaalitan nitong kapwa karpintero.

Kinilala ang suspek na si Jun Calalung, nasa hustong gulang, pawang residente rin ng nasabing lugar.

Batay sa ipinarating na pormasyon ni PSupt. Ronald Laggui, hepe ng Police Community Relation ng IPPO, bandang alas dyes ng gabi ng Enero 31, habang nag-iinuman ang dalawa sa bahay ng kanilang kamag- anak, nang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa na humantong sa mainitang pagtatalo.


Bigla umanong kinuha ng suspek and dala nitong airgun at binaril sa dibdib ang kainuman na agad namang naisugod sa Delfin Albano Memorial Hospital.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek na nakatakda na ring sampahan ng kaukulang kaso.

Facebook Comments