Karton na Naglalaman ng Dried Fish, Nabistong may lamangIligal na Droga

Cauayan City, Isabela- Narekober ng mga awtoridad ang mahigit P2 milyong halaga ng dried marijuana bricks matapos itong abandonahin sa gilid ng kalsada sa Sitio Ngilin, Poblacion, Tinglayan, Kalinga kahapon, June 6,2021.

Nakasilid sa dalawang karton ang iligal na droga na natatakpan ng dried fish matapos itong kalkalin ng aso at tumambad ang bloke-blokeng marijuana.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay PCol. Davy Vicente Limmong, Kalinga PPO Director, possible aniya na nahuli sa pagdating ang sana’y bibili ng droga o di kaya ay natakot dahil sa nagpapatrolyang kasapi ng mga awtoridad.


Ayon pa kay PCol. Limmong, wala umano nakakita kung sino ang posibleng nag-iwan ng marijuana kung saan wala pang isang oras ang nakalipas bago ito madiskubre.

Kalakalan na umano ang ganitong hakbang dahil wala ng nangyayaring personal na transaksyon na magaganap.

Umabot naman sa labing-siyam (19) na piraso ng marijuana bricks na tumitimbang ng 18,150 grams o may kabuuang halaga na P2,178,000.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng taong nang-iwan ng droga.

Matatandaang nakarekober rin ng kaparehong modus ang pulisya.

Facebook Comments