Karylle, Dingdong at Marian, nagkita-kita sa isang event

Nagkita sa isang event si Karylle at ang ex-boyfriend nito na si Dingdong Dantes kasama ang kanyang asawa na si Marian Rivera.
Naikwento ito ni Karylle sa isang episode ng It’s Showtime nang tanungin siya ni Vice Ganda tungkol sa lovelife nito.
Kwinento naman ni Karylle na nakasalubong niya si Marian kung saan nakabeso-beso niya pa ito sinabihan na gandang-ganda ito sa kanya.
Dagdag din ni Karylle na payapa na raw talaga ang puso nila.
Matatandaan na noong November 2008, kinumpirma nina Karylle at Dingdong ang kanilang paghihiwalay pagkatapos ng pagsasamahan nila ng tatlong taon.

Facebook Comments