Mas pinag-iingat pa ngayon ng mga opisyales mula Cotabato City at North Cotabato ang kani-kanilang kababayan kasabay ng extended implementation ng General Community Quaratine .
Itoy matapos muling mambulaga ang Corona Virus Disease at muling may naitalang karagdagang positibong kaso ng Covid-19 sa kabila ng pananahimik ng halos isang buwan.
Sa Cotabato City, 2 Positive Cases ang naitala mula noong araw ng byernes at nasundan kahapon ng araw ng linggo. Kabilang sa mga pasyente ay isang 26 anyos ng LGU Volounteer Worker at isang 18 anyos ng istudyante na napabilang sa firstbacth na mga umuwi mula sa mga nastranded sa Davao City.
Habang isang 43 anyos na lalaki naman ang pinakahuling nagpositibo mula sa North Cotabato na may travel history mula Misamis Oriental.
Kaugnay nito, bagaman nagsimula ng magbukas ang ilang establishemento, at may- iilan na ring bumabyaheng transport vehicle muling namamayani ngayon ang takot at pangamba at tila muling napawi ang kasabikan ng maraming mga Cotabateños.
Pabor naman ang karamihan sa mga Cotabateños sa ipinapatupad na mga Guidelines kabilang na ang No Movement Day on Sunday, Odd Even Coding Scheme ng mga Vehicles at pagpapatupad ng Checkpoint sa mga papasok sa Cotabato City.
Kasabikan napalitan ng Pangamba matapos mambulaga ang COVID-19 sa mga Cotabateños
Facebook Comments