Manila, Philippines – Kasunod ng inilabas na narco-list ng Philippine Drug Enforcement Agency, ikinasa na ng Philippine National Police ang case build-up sa mga kapitan, Bgry at kagawad na tinukoy sa listahan.
Sa interview ng RMN-Manila kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao – bagamat kumpirmado, mahalaga ang case build-up upang makakuha ng physical evidence at mapasama sa mga tututukan ng operation double barrel.
Pero, nilinaw ni Aquino na ang PDEA pa rin ang lead agency sa oplan double barrel kaya susunod pa rin sila kung ano ang gagawin sa inilabas na narco list sa mga barangay official.
Una nang hinihikayat ng PNP ang mga nasa narco list na mga kapitan, Bgry at kagawad na sumuko na o makipag-ugnayan sa kanila.
Sa inilabas na listahan ng PDEA, 117 ay pawang mga Brgy kagawad at ang 90 dito ay mga barangay chairman na karamihan ay mula sa Bicol Region.