MANANATILI | Buwan ng pasukan sa Hunyo – hindi babaguhin ng DepEd

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Education na hindi babaguhin ang simula ng pasukan sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones – buwan pa rin ng Hunyo ang ideal na umpisa ng school year ‎2018-2019.

Sakali kasi aniyang ilipat sa buwan ng agosto ang pasukan ay hindi ito pabor sa mga estudyante.


Aniya, kung magiging agosto ang simula ng klase, matatapos ang school year sa kasagsagan ng mainit na panahon.

Hindi aniya ito magiging angkop lalo na sa mga pampublikong paaralan dahil madami ang estudyante sa isang silid aralan.

Facebook Comments