KASADO NA | Inilatag na seguridad ng PNP sa pagbubukas ng klase sa Lunes – plantsado na

Manila, Philippines – Kasado na inilatag na seguridad ng Philippine National Police para sa Oplan Balik Eskwela kasabay ng opisyal na pagbubukas ng klase sa pampublikong paaralan sa Lunes, Hunyo 4.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao – mas mahigpit na seguridad ang ipatutupad nila ngayon kung saan bawat eskwelahan ay may itatalaga silang dalawang pulis para sa police assistance desk.2

Ayon kay Bulalacao – handa na rin ang patrol team ng PNP na magpa-patrolya sa mga eskwelahan habang magkakaroon din road marshall para sa inaasahang pagbugso ng mga estudyante na pabalik sa Metro Manila mula sa bakasyon.


Mananatili ang mga police assistance desk sa mga eskwelahan hanggang sa wala nang makitang problema ang PNP.

Sa ngayon ay nasa normal ang alerto ng PNP sa buong bansa.

Facebook Comments